MILITARY ASSET, IGINAPOS, NIRATRAT  NG ‘NPA’ 

(NI ANNIE PINEDA)

GINAPOS saka niratrat ng bala ng baril ang isang magsasaka ng mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang paghinalaan umanong asset ng Philippine Army (PA), iniulat kaninang umaga sa Agusan del Norte.

Kinilala ang biktimang si Roy Olmo Biyog, 23, ng Camp Eduard. Alegria, Surigao del Norte.

Batay sa report ng Agusan del Norte-PNP, naganap ang insidente sa Kabanikagan, Brgy. Hinimbangan, lungsod sa Kitcharao, Agusan del Norte.

Lumabas sa imbestigasyon na naghahanap ng mga ligaw na baboy ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang biglang dumating ang limang armadong kalalakihan na sinasabing kasapi ng NPA.

Bigla na lamang nilang hinuli ang biktima saka iginapos at walang habas na pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment