MAY SUITOR ANG LIVE-IN PARTNER; LALAKI NAGBIGTI

bigti

(NI BONG PAULO)

PINANINIWALAANG sobrang selos ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 28-anyos na construction worker ang sarili sa Brgy. Hayanggabon, sa bayan ng Claver, Surigao del Norte, Miyerkoles ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Claver Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Sonny Saraos, isang construction worker at ng Purok 10, Brgy. Aupagan sakop ng lungsod ng Butuan.

Lumalabas sa imbestigasiyon na bago nagpakamatay ang biktima ay nag-away umano sila ng kanyang live-in partner dahil sa pagseselos ni Saraos sa kasama din nitong construction worker.

Nagbanta din ito sa kanyang asawa na aalis na lamang.

Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay nakita itong nakabitin sa ilalim ng tulay gamit ang isang cord.

Inaalam pa kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment