MALAYSIAN KINIDNAP SA CASINO, NAKATAKAS

kidnap12

(NI NILOU DEL CARMEN)

NA-RESCUE ang isang Malaysian national na kinidnap sa isang casino sa Parañaque City matapos makatakas sa pinagkulungang bahay sa  Biñan City, Laguna, Lunes ng hapon.

Batay sa report ng Biñan City police, nakatakas sa compound ng naturang bahay sa Barangay San Francisco ang biktimang kinilalang si Wong Jun Chuan, 26, sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na konkretong pader at saka mabilis na tumakbong papalayo.

Nakita at tinulungan ito ng isang security na si  Jason Recalde sa harap Southwoods mall hanggang sa mai-turn over ito sa mga miyembro ng Biñan special reaction unit na nagpapatrulya sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang  biktima na nakatira sa Pasay City ay kinidnap ng mga hindi nakilalang salarin noong Sabado ng gabi habang nasa City of Dreams  sa Parañaque City.

Dinala umano ito ng abductors  sa Laguna.

Itinurn over na rin ang biktima sa Anti-Kidnapping group (AKG) sa Camp Crame habang patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.

 

Related posts

Leave a Comment