MAHILIG SA NENE; LOLONG KANO HULI SA MOTEL

cebu city12

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG ang Amerikano nang mahuli na may menor de edad sa loob mismo ng isang motel sa Ramos St. sa Cebu City.

Nakuha rin sa condo unit ng 63- anyos na suspek ang ilang gamit tulad ng lubricant, posas, at swimsuit.

Nakuha rin sa suspect ang notebook kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga babae at halaga ng ibinayad ng suspek.

Hinalughog ang condo ng dayuhan Biyernes ng hapon sa bisa ng search warrant.

Sinabi ng Women and Children Protection Center (WCPC) Visayas field unit, karamihan umano sa mga biktima ng suspek ay menor de edad.

Isasailalim din sa pagsusuri ang ilang gadgets ng suspek, tulad ng cellphone at laptop, kung mayroon itong mga pornographic material.

Napag-alaman na pabalik-balik sa Cebu ang suspek simula pa noong 1980. Dagdag ng WCPC, ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ang nagsumbong sa kanila ukol sa gawain ng suspek.

Pinabulaanan naman ng dayuhan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Related posts

Leave a Comment