MAGPINSAN NAG-CELEBRATE SA PAG-INOM NG PESTICIDE

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Agad dinala sa pagamutan ang magpinsang lalaki matapos uminom ng pesticide dahil sa tuwa ng dalawa na nagkabati noong araw ng Pasko matapos ang ilang taon nilang away.

Nangyari ang insidente sa Barangay Malibago, sa Cateel, Davao Oriental, alas 12:30 ng tanghali, Miyerkoles.
Sa ulat mula sa Compostela Emergency Respond Team (COERT), nakilala ang isa sa mga biktima na si Alex Cabanilla, 24, residente sa lugar.

Mismong mga kaanak ng biktima ang humingi ng tulong sa COERT matapos malason ang magpinsan upang dalhin sa ospital.

Sinabi ng asawa ni Cabanilla na ilang taong nag-away ang magpinsan at wala na itong kibuan ngunit dahil araw ng Pasko ay nagkabati rin sila.

Bilang selebrasyon, nagkasundo ang magpinsan na uminom ng Coradan, isang pesticide na ginagamit na pang-spray sa mga pananim kontra insekto.

Matapos ang pag-inom, bumula na ang bibig ng magpinsan kung kaya’t dinala ito sa Davao de Oro Provincial Hospital at hanggang ngayon ay patuloy na nilalapatan ng medikasyon.

 

Related posts

Leave a Comment