MAGLOLO NA DADALO SA KASAL, PATAY SA TRAK

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nakadalo pa ang isang dalaga at lolo sa pupuntahan nilang kasal matapos bawian ng buhay makaraan maaskidente ang sinasakyan nilang trak, sa probinsya ng Koronadal City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Melanie, 18 at Hadji Abas, 70, kapwa residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Habang dinala naman sa ospital sa Barangay Tinaman ang 20 iba pang sugatan.

Batay sa report ng South Upi Police Station, naganap ang insidente sa national highway sa Sitio Sinako, Barangay Kuya, South Upi, ng nasabing lungsod.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng trak ang nasabing kalsada sakay ang nasa 25 katao para dumalo sana sa kasalan sa Lebak, Sultan Kudarat.

Subalit, pagdating sa pakurbadang bahagi ng daan bigla na lamang umanong nawalan ng preno ang trak  dahilan para magtuloy-tuloy ito sa bangin, pero mabilis na nakabig ng driver ang manibela at ibinangga na lamang niya ito sa concrete  steel.

Sa lakas ng pagkakabangga agad na binawian ng buhay ang dalawa habang patuloy na ginagamot sa ospital ang 20-katao.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment