MAGKUKUMPARE TIKLO SA DRUG BUST 

shabu6

(NI JAY-CZAR LA TORRE)

HULI sa akto ang limang magkukumpare habang umano’y bumabatak ng shabu sa loob ng isang bahay habang arestado rin sa hiwalay na insidente ang isa pang suspect nang isagawa ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station na pinamumunuan ni PC Insp. Jude Bryan Maguddayao ang dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Subic, Martes ng gabi.

Naunang nasakote ng mga pulis ang isang 27 taong gulang na tricycle driver na si Abdul Fahad Imalil alyas Fahad, dakong 8:00 ng gabi sa Barangay Calapacuan, kung saan ayon kay P02 Michael Villanueva, imbestigador sa kaso, ay nakumpiska kay alyas Fahad ang isang botelyang lalagyan ng chewing gum na pinaghihinalaang pinaglayan ng mga iligal na droga, at anim na pirasong pakete ng pinaghihinalaang shabu kabilang dito ang halagang P500 na  umano’y nabili kay Fahad ng nagpanggap na poseur buyer. Ayon pa sa record ng pulisya, si Fahad ay isa sa libu-libong drug surenderer noong kasagsagan ng Oplan Tokhang taong 2016.

 

Dakong alas 8:40 ng gabi naman nang maaresto ng mga pulis ang limang kalalakihan na nagsasagawa ng pot session sa Sta. Monica Subdivision sa Barangay Sto. Tomas ng nabanggit na bayan matapos di umano makabili ng isang paketeng shabu ang nagpanggap na poseur-buyer sa target suspek.

Arestado ang lima na kinilala ng imbestigador na si SPO1 Felix Laron, na sina Butch Damian, 44, Angelo Ellaso, 37, technician; Jonathan Reyes, 40. Ang tatlo ay pawang mga residente sa bayan ng Subic habang sina Rolando Capili, , 52, at King Jasper Koahou, , 47, ay taga Olongapo City.

Kumpiskado sa mga suspek ang limang pakete ng iligal na droga kabilang na ang P500 pisong halaga ng shabu na nabili diumano ng poseur buyer mula kay Damian, samu’t saring drug paraphernalia, at isang Cal. 38 revolver pistol.

Mariin naman itinanggi ng grupo ang mga akusasyon ,anila wala naman daw nakuha mula sa kanila ang mga umarestong pulis, subalit aminado ang isa sa mga ito ang tungkol sa baril na aniya’y napulot lamang at dinala sa bahay ng suspek.

 

Related posts

Leave a Comment