MAG-UTOL DEDBOL SA PARAK

gun

CEBU City – Kapwa namatay ang magkapatid na lalaki makaraang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay na pulis dahil sa matagal nang alitan, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na magkapatid na sina Joel Cabrera, 35, at Jerbes Cabrera, 30-anyos, kapwa resi-dente ng Barangay Dumlog, Talisay Cebu.

Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Staff Sgt. Sidney Alisoso, 32, miyembro ng Region-al Drug Enforcement Unit-Police Regional Office 7 Cebu City.

Batay sa report ng Talisay Police Station, dakong alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa labas ng bahay ng mga biktima.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, bigla lamang umanong pumasok ang suspek sa bahay ng magka-patid at kinaladkad palabas si Jerbes saka pinagbabaril.

Nagising naman ang natutulog na si Joel at nang mabatid ang ginawa ng suspek ay mabilis na lumabas ngunit maging siya ay pinagbabaril din ng suspek.

Ayon naman sa ina ng magkapatid, nag-ugat ang alitan ng kanilang pamilya at ni Alisoso, dalawang taon na nakalilipas, dahil sa tubig at kanilang bakod na lumagpas umano sa tamang sukat.

Hanggang sa muli umanong naungkat ang alitan nang matalsikan ng debris ang bahay ng suspek.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong double murder. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment