MAG-INA KINATAY NG KALAGUYO SA SELOS

crime34

(NI JG TUMBADO)

DAHIL sa matinding selos ng isang lalaki  kaya’t nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay nito ang isang mag-ina na kanyang kapitbahay sa Davao City.

Sa presinto na nahimasmasan at sising sisi ang 37-anyos na suspek na si Renuel Habillo, dahil sa nagawa nitong karumal- dumal na krimen at handa umanong pagbayaran ito.

Nabatid sa inisyal na report ng pulisya, ang suspek at ang biktima na nakilalang si Evelyn Lapera ay may limang buwan nang lihim na relasyon.

Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) chief Col. Kirby John Kraft, matinding selos ng suspek ang dahilan ng brutal na pagpatay sa biktima at kanyang 11-anyos na anak na babae na si Joy.

Inabutan ng suspek na may kasamang lalaking kainuman na ka-trabaho ng biktima sa labas ng bahay ng huli.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa makakuha ng itak si Habillo at pinagtataga ng ilang beses ang biktima gayundin din ang anak nito na naglalaro lamang sa labas ng bahay.

Mahal na mahal umano ni Habillo ang biktima at ayaw niya umano itong mawala sa kanya.

Nahaharap si Habillo ng two counts of murder kaugnay sa krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment