MAG-INA INARARO NG TRUCK, NANAY, PATAY

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

HINDI nakaligtas sa kapahamakan ang mag-ina na kahit pa tumatawid sa tamang tawiran ay nabundol pa rin ng isang pick-up truck sa bayan ng Dumaguete, Negros Oriental.

Batay sa report, tanghali nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente habang magkahawak pa umano ng kamay ang hindi na pinangalanang mag-ina habang maingat na tumatawid sa pedestrian lane.

Subalit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nasagasaan sila ng kulay pulang pick-up na mabilis na bumabagtas sa patawid na mga biktima.

Nabatid sa pulisya na nagulungan ng sasakyan ang mag-ina at namatay sa ospital ang ina at nasa malubha naman ang kalagayan ng bata.

Napag-alamang nagkaayos na ang pamilya ng mag-ina at ang driver ng sasakyan matapos na sagutin nito ang pagpapalibing at gastos sa bata.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment