MAG-ASAWA, ISA PA PINAULANAN NG BALA

bala-1

COTABATO – Patay ang isang mag-asawa at isa sa kanilang kaanak habang sugatan ang tatlong iba pa matapos pasukin ang kanilang bahay ng mga armadong lalaki at pagbabarilin habang naghahapunan sa  lalawigan ng North Cotabato.

Dead on the spot ang mag-asawang sina Ernesto Gatella, 70, magsasaka at asawang si Lorena, 43, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ha-bang nasawi rin  si Jose Gatella, 70, magsasaka, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sugatan at nilalapatan ng lunas sina Emmelita Getalla, Joe Gatella at Daryl Getalla.

Sa ulat ng Matalam Police Station, naghahapunan ang mag-anak na Gatella sa ka-nilang bahay sa Purok Sampaguita, Poblacion, Matalam bandang alas-7 ng gabi nang biglang pumasok ang mga hindi nakilalang salarin na pawang armado ng M-16 rifle.

Walang salitang binitiwan umano ang mga suspek na bigla na lang nagpaputok ng mga hawak na baril nang walang habas at tinamaan ang mga biktima.

Nang makitang nakabulagta at sugatan ang mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis na nakapulot ng mga basyo ng bala sa lu-gar ng krimen at inaalam ang motibo sa pangyayari. ANNIE PINEDA

Related posts

Leave a Comment