LUMUSOB SA DRUG DEN, 1 BINISTAY NG BISITA

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki na umano’y nagpanggap na bisita makaraan pumasok sa loob ng bahay ng una sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Anthony ‘Tonton’ Castaño, 36, residente ng Sitio Laray Brgy. Carreta, bayan ng Mabolo ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Mabolo Police Station, bigla na lamang dumating ang suspek sa bahay ng biktima at nagpanggap na bisita.

Kuwento ng ilang residente, narinig pa umano nilang nag-uusap ang dalawa tungkol sa isang babae hanggang sa nakarinig na lamang sila ng magkakasunod na putok ng baril.

Makalipas ang ilang minute, nakita na lamang nilang naliligo sa sariling dugo ang biktima at wala ng buhay.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidnete nakapulot sila ng basyo mula sa .38 kalibre na baril na pinaniniwalaan ginamit sa krimen.

Nabatid, na ginagawa rin umanong drug den ang bahay ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente sa inaalam ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas.

 

Related posts

Leave a Comment