LOLO BINARIL SA ULO

crime100

(NI BONG PAULO)

TUMIMBUWANG ang isang 60-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman sa panibagong pamamaril na naganap sa Purok 6, barangay Southern Panigi sa bayan ng Padada Davao Del Sur, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Felix Camarinos Rabillum, 60, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Nangyari ang pamamaril habang nakaupo ang biktima sa bahay ng kanilang kapit-bahay alas 9:00 ng umaga.

Ayon sa PNP, hinihintay lang ni Rabillum ang kanyang anak upang ipagamot ang karamdaman nito sa Digos City nang biglang dumating ang gunman sakay ng motorsiklo at barilin ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Di pa malaman sa ngayon kung ano ang motibo ng mga resposable sa nasabing pamamaril.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment