LOLO, 2 BATA, PISAK SA TRAK

accidentsign1

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang tatlo katao, kabilang  ang  dalawang bata, habang may dalawa naman ang sugatan sa naganap na salpukan ng motorsiklo at truck sa Purok 9, Brgy Nangka, Villanueva, Misamis Oriental.

Sa report ng Misamis Oriental PNP, inabot ng dagliang kamatayan sina Raymondo Pagulayan, 58, driver ng motorsiklo, Rizza Pagulayan, 8, at Irish Bonos, 2.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nieves Ermita, 67, at Rezza Pagulayan, 20.

Ayon kay Villanueva Municipal Police Station investigator Chief M/Sgt Teody De Oro, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at tinatahak ang direksyon patungong lungsod ng Claveria lulan ng motorsiklo para dumalo sa isang kasalan nang maganap ang sakuna.

Lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng  motorsiklo pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway kaya sumalpok at pumailalim sa sa kasalubong na truck na minamaneho ni Yorme Opaon, 47, residente ng Patrocenio, Claveria.

Dead on the spot ang dalawang bata at naisugod pa sa ospital ang driver ngunit idineklarang patay ng mga doktor.

 

Related posts

Leave a Comment