LOLA PINAPAK NG ‘ASUWANG’

(NI ANNIE PINEDA)

BUTO na lamang ang dalawang kamay ng isang lola nang matagpuan ang katawan nito sa loob ng kanyang bahay matapos umanong papakin ng asuwang, iniulat kahapon sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Maria Abraham Miras, 86, at residente ng Barangay Candamyang, Santander, Cebu City.

Batay sa report ng Santander PNP, nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay habang ang dalawang kamay nito ay nakabitin sa bubong at buto na lamang samantalang ang dalawang paa nito ay nakalusot sa ilalim ng sahig ng bahay.

Kuwento ng apo ng biktima, tumungo siya sa bahay ng kanyang lola para dalhan ng pagkain subalit laking gulat niya nang makita ang buto na parte ng katawan ng lola.

Kaagad naman ipinaalam sa mga awtoridad ang nasabng insidente.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na asuwang ang pumatay kay Miras dahil mag-isa lamang itong nakatira sa kanyang bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Related posts

Leave a Comment