LIVE-IN PARTNERS BALIK-SELDA SA DROGA

JAIL-1

DAVAO City – Balik-selda ang isang mag-live-in partner na dating nakulong dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod na ito.

Huli sa akto ang mga suspek nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa Sitio Sto. Niño, Brgy. 76-A,  Bucana, nitong lungsod, alas-8:00 ng gabi noong Martes.

Ikinasa ng mga tauhan ng Talomo Police Station at Regional Special Operating Group-Regional Police Drug Enforcement Unit (RSOG-RPDEU) XI, ang operasyon laban sa mga suspek na sina Arlene Lapiña Brigole at Edilberto Siblos Parilla.

Nasabing operasyon, ilang pakete ng umano’y shabu na tinatayang P226,000 ang halaga, ang nakuha mula sa mga suspek.

Ayon kay Police Lt. Col. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police Station at RSOG-RPDEU-XI, nahuli rin ang dalawang suspek noong nakalipas na taon at nakalabas sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Dagdag pa ni Lao,  ang mga suspek ay pawang nasa listahan ng Directorate for Intelligence Watchlist at naaresto ang mga ito matapos magsumbong ang isang impormante na muli na namang nagbebenta ng ilegal na droga.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (DONDON DINOY)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment