LIVE-IN PARTNER NAPATAY SA SAKAL SA AWAY SA PERA

crime

(NI JESSE KABEL)

NAHAHARAP ngayon sa kasong pagpatay ang isang 24-anyos na lalaki matapos niyang mapatay sa sakal ang kanyang kinakasama dahil lamang sa away sa pera, ayon sa ulat ng pulisya, sa Cordon lalawigan ng Isabela.

Sa report ng Cordon Police, nakilala ang suspek na si  Vinson Salazar, live-in partner ng biktima.

Ayon kay P/Maj Richard Gatan, hepe ng Cordon Police Station, nadiskubre sa isang sagingan ang bangkay ng 18-anyos na si Maricar Ortiz sa Barangay Anonang.

Lumitaw sa pagsisiyasat na masaya pang dumalo sa isang kasalan ang mag live-in subalit nang pauwi na sila sa kanilang bahay ay nagkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa pera.

Dito umano nasuntok  ng lalaki ang kinakasama hanggang sa sakalin niya ito at malagutan ng hininga .

Nang mahimasmasan at humupa ang galit ay nagpasya ang suspek na itago ang bangkay sa isang sagingan subalit agad na nadiskubre ng ilang barangay official sa kanilang lugar.

Agad namang nadakip si Salazar sa follow-up operation at inamin nito sa mga imbestigador na napatay niya ang kanyang kinakasama  dahil sa away sa pera.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment