LIQUOR BAN

liquor ban12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Tisoy, ipinagbawal sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito ang pag-inom ng alak simula Lunes hanggang Miyerkoles.

“Selling and consumption of alcoholic beverages are prohibited starting Dec. 2 until Dec. 4,” ani Mayor Matt Florido sa kanyang order na nakasaad sa Municipal Advisory na kanyang inilabas Lunes ng umaga

Sa panayam sa telepono, ipinaliwanag ni Florido na mahirap umanong magsagawa ng anumang “pre and post disaster activities” kapag lasing ang kausap.

“Kalimitan kasi kahit umuulan (at may bagyo) ay nag-iinom ang tao,” ang katwiran ng alkalde kung bakit siya nagpalabas ng nasabing utos.

Binigyang-diin pa niya na kapag nagbigay ng dikretiba ang “operation center” ng kanilang disaster risk reduction and management office “ay dapat nasa wastong pag-iisip ang mga tao at wala sa impluwensya ng alak”.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng levels sa public at private schools sa nasabing bayan hanggang Miyerkoles.

Ipinagbawal din ni Florido ang pagpapalaot sa Tayabas Bay ng lahat ng bangka dahil sa mapanganib na banta ng panahon at muli lang makapaglalayag ang mga sasakyang-dagat kapag nagpalabas ang munisipyo ng bagong order.

Ang bayan ng General Luna ay binubuo ng 27 barangay at may kabuuang populasyon na 26,500.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment