LIDER NG INVESTMENT SCAM, TIMBOG SA CIDG

scam

(NI NICK ECHEVARRIa)

NAARESTO ng mga tauhan ng Criminal Investigation  and Detection Group (CIDG) Capiz at Roxas City Police Station (CPS) ang lider ng isang investment scam group, Lunes ng hapon.

Kinilala ang nadakip na lider ng ‘Forex Investment Queen Group’ na si Lourdes Baarde na sangkot umano sa muti-million investment scam sa Panay Island.

Ayon kay P/Col. Benliner Capili, Regional Chief ng CIDG RFU 6 ang suspek ay nadakip sa  Km1, Roxas City, Capiz sa bisa ng warrant of arrest mula sa sala ni Hon. Manuel I.R.A V. Barrios, Presiding Judge ng  6th Judicial Region, RTC Branch 4, Roxas City, Capiz.

Sa report na ipinadala sa tanggapan ni P/BGen. Joel Napoleon Coronel, acting Director ng CIDG, ang suspek ay wanted sa 3 counts ng estafa sa ilalim ng Art. 315 ng RPC na inamyendahan ng RA 10951.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Capiz ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment