LIDER NG GUN FOR HIRE, 2 PA TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Nasamsam ang iba’t ibang klase ng baril, bala at Identification Cards matapos madakip ang lider ng Edrina group at dalawang kasama nito sa Imus City sa lalawigang ito.

Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang mga suspek na sina Ronilo Edrina, Renadro Rabino at Romeo Fernandez, pawang nasa hustong edad, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cynthia Marino-Ricablanca, Executive Judge ng RTC Branch 27 ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng Oplan Paglalansag Omega at Salikop ang pinagsamang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG)-Cavite, Amadeo at Kawit Municipal Police Station at Imus City Police Station dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon sa Brgy. Carsadang, Bago II, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo.

Nakuha sa lugar ang iba’t ibang klase ng baril, shotguns, granada, bala, Identification Cards, mga papel de ahensiya at mga motorsiklo.

Si Edrina ang lider ng Edrina Group na responsable sa robbery/gun-for-hire at gun running activities, at sa serye ng robbery incident sa Amadeo, Cavite, at robbery at rape incident sa Brgy. Loma, Amadeo, Cavite noong Nobyembre 29, 2019 at sa Binakayan sa Kawit, Cavite noong Enero 28, 2020. (SIGFRED ADSUARA)

 

Related posts

Leave a Comment