LALAKING NAKIPAGLIBING SA KAANAK, BINARIL, PATAY

batangas1

NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG tama ng bala sa ulo at isa sa dibdib ang ikinasawi ng isang nagbabakasyong OFW  na binaril sa harap ng sementeryo sa San Pascual,  Batangas, Sabado ng hapon.

Ayon sa San Pascual police,  katatapos lamang makipaglibing sa isang pumanaw na kamag-anak ng biktimang si Dennis Abrahan,  44, ,  residente ng Barangay Manginao Proper,  Bauan,  nang ito ay barilin ng hindi nakilalang gunman sa harap ng Holy Cross Cemetery sa Barangay Sambat,  pasado alas 3:00 ng hapon.

Ayon kay Police Major John Rillian,  hepe ng San Pascual Police,  nakatayo lang sa gilid ng kalsada ang biktima at hinihintay ang kasamang bumibili ng sigarilyo nang lapitan ito ng nag-iisang salarin at malapitang barilin.

Isinugod pa ang biktima sa Bauan Doctor’s Hospital subalit nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nakatakas naman ang suspek matapos pamamaril.

Nagsasagawa pa ang San Pascual police ng malalimang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam pa rin kung sino ang suspek at ano ang motibo sa likod ng krimen.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment