LALAKING NAGPAPA-5-6, PINASABOG ANG ULO

crimeshooting12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na market collector matapos pagbabarilin ng  nag iisang salarin sa Sta. Maria, Bulacan.

Hustisya ang sigaw ng pamilya at kaanak ng biktima na si Ronaldo del Rosario na binaril nang malapitan sa ulo pasado alas 3:00 ng hapon ng Sabado.

Nabatid sa report ng pulisya, pasakay na umano ang biktima sa kanyang motorsiklo nang tambangan ng isang hindi pa matukoy na lalaki.

Dead on the spot sa lugar ng krimen si Del Rosario bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Base naman sa pahayag ng kaanak ng biktima sa mga imbestigador, wala naman umano silang alam na naging kaaway ito.

Teorya ng pulisya, posibleng may kinalaman sa sideline ng biktima na guarantor at naniningil ng pautang sa 5-6.

Pagkatapos ng pamamaril, hindi na nagpakita ang malaking kliyente nito sa pautang.
Bago umano ang pamamaril ay nakatakda sanang makipagkita si del Rosario sa isang kliyente nito subalit hindi ito sumipot pagkatapos ng pangyayari.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng naturang krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment