LALAKING NAG-AMOK PATAY SA PARAK

zamboanga map12

(NI KIKO CUETO)

ZAMBOANGA City — Patay ang isang lalaki na nag-amok sa Barangay Cabatangan nang barilin ng pulis na rumesponde sa lugar.

Sa report, nagwawala ang lalaki na kinilalang si Arnel Francisco at naghahamon ng away.

Agad nagsumbong sa pulis ang mga residente at pinuntahan ito.

Pagdating ng responde sa halip na kumalma ay nanutok pa ito ng patalim sa mga pulis dahilan para siya ay barilin.

Sinabi ni Kagawad Efren Jalon na hinaharass na ni Francisco ang ilang residente nang walang  dahilan.

Sinubukan umanong pakalmahin ng mga kaanak si Francisco pero hindi ito tumigil.

Ayon kay Kagawad Jalon, malaki ang posibilidad na lango sa alak ang suspek nang mangyari ang insidente.

 

 

Related posts

Leave a Comment