LALAKI WALANG AMBAG SA ALAK, TINUBO

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa mahilig sa libre, patay ang isang obrero makaraan hatawin ito ng tubo sa ulo ng kainuman nang umano nag ambag sa alak, iniulat kaninang umaga sa Baguio City.

Kinilala ang biktimang si Chistopher Balanni, tubong Banaue, Ifugao at residente ng Itogon, Benguet, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Kazy Binuhe Nahuyaman, 25, binata, tubong Hingyon, Ifugao at residente ng Ucab, Itogon, Benguet.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng kubo na tinutulugan ng bitkima at suspek sa First Gate, Ucab, Itogon, Benguet.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente nag-iinuman ang biktima at suspek sa kubo hanggang sa maubos ang alak.

Nabitin umano si Nahuyaman kaya sinabihan nito si Balanni na bumili naman ng alak pero tumanggi umano ang huli na nauwi sa pagtatalo.

Dito, kumuha ng tubo ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima saka tumakas.

Dinala naman ng iba nilang kasamahan si Balanni sa Baguio General Hospital and Medical Center, pero idineklara na rin itong patay. Nakonsensiya naman ang suspek at kalaunan ay sumuko ito sa mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

Related posts

Leave a Comment