LALAKI SINAKSAK NG FLAT SCREW, PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

TIGOK ang isang lalaking tauhan ng munisipyo makaraan saksakin ito ng flat screw ng kanyang kaaway, iniulat kaninang umaga sa probisnya ng Leyte.

Kinilala ang biktimang si Jimuel Tado, 28,  job order employee ng Sta. Fe Municipal, at ng Barangay Zone 3, Sta Fe, Leyte.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Donaldo Quero, kalugar ng biktima .

Batay sa report ng Sta. Fe Police Station, bumili ang biktima ng gamot sa isang tindahan sa kanilang lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek at walang babalang pinagsasaksak ang biktima gamit ang flat screw.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Tumakas ang suspek pero nadakip din ng mga awtoridad sa ginawang follow-up operation.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal na alitan ang motibo sa krimen.

Nakakulong ngayon sa Sta. Fe Police Station ang suspek at naharap sa kasong pagpatay.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment