LALAKI SINAKSAK; KUTSILYO INIWAN NAKATARAK SA LEEG

crime34

(NI JESSE KABEL)

TULUYAN nang hindi nagising ang isang trike driver nang tarakan sa leeg habang natutulog sa loob ng isang tricycle sa Barangay Cabangcalan sa Mandaue City, sa ulat ng pulisya nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Dale Abayon na umano’y suspek sa pagnanakaw naman ng biseklata ng suspek sa krimen.

Nabatid sa Mandaue City Police Station na Sabado ng umaga ay hawak na nila ang suspek sa pamamaslang kay Abayon.

Sinasabing pinatay ng suspek ang biktima dahil sa galit nang nakawin nito ang kanyang mountain bike.

Positibo umanong nakilala ang biktima sa mga kuha ng CCTV sa lugar  na responsible sa pagnanakaw ng bike noong Miyerkoles ng umaga.

Dahil dito tiniyempuhan ng suspek ang trike driver at habang natutulog ito ay sinaksak niya ng kutsilyo sa leeg.

Nadatnan ng mga pulis na nakatarak pa ang kutsilyo sa leeg ng biktima.

Sinasabing kusang sumuko ang salarin Sabado ng umaga at inamin ang krimen kasabay ng pagturo sa kinaroroonan ng napaslang.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment