LALAKI NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

crimebaril1

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong  Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Sariaya police ang biktimang si Roberto Sabinosa,  59-anyos.

Batay sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Lucky Homes subdivision sa Barangay Sto. Cristo nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-7:30 ng umaga.

Sakay ang mga suspek ng isang ‘di natukoy na sasakyan na biglang tumigil sa harap ng bahay ng biktima.

Kasabay ng paghinto, bumukas ang bintana sa hulihan ng kotse at naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima na natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang mga suspek at kung ano ng motibo sa krimen. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment