LALAKI LUMIYAB, TIGOK; 1 KRITIKAL

(NI ANNIE PINEDA)

LUMIYAB sa gitna ng palayan ang isang lalaki habang kritikal sa ospital ang kaibigan nito makaraan tamaan sila ng kidlat, sa Capiz.

Kinilala ang namatay na si Frederick Medalla habang sugatan ang kaibigan nitong si Fredy Uadan, kapwa residente sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang mga biktima sa gitna ng palayan kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Danilo Macato pauwi sa kani-kanilang tahanan nang biglang bumuhos ang ulan.

Dahil sa walang masilungan mabilis na tumakbo si Macato at may ilang metro na ang layo nito kina Medalla at Uadan hanggang sa gumuhit ang langit sa lakas ng kidlat at tinamaan ang dalawa dahilan para bumulagta sa palayan.

Kaagad naman dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang dalawa pero hindi na naisalba pa ang buhay ni Medalla sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan habang patuloy na nilalapatan si Uadan.

Related posts

Leave a Comment