LALAKI KINATAY, MUKHA BINALATAN

KUTSILYO

CEBU City – WALA na ang mukha at mga mata nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos patayin at balatan ang ulo ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Edgardo Marco Corbo Jr., nasa hustong gulang at residente ng Upper Tabogon, Mandaue City, Cebu.

Batay sa report ng Carmen PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na bahagi ng Brgy. Fuente, Carmen, Cebu.

Ayon sa mga pulis, binalatan ang ulo ng biktima hanggang leeg kaya wala nang mukha habang ang mga kamay nito ay nakagapos sa pisi.

Kinumpirma naman ng pamilya ang pagkakakilanlan ng biktima na umano’y nawawala noon pang Enero 9.

Ayon sa pamilya, may kapansanan sa pag-iisip ang nasabing biktima.

Kuwento naman ng mga residente, huli nilang nakita ang biktima habang naglalakad sa nasabing lugar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga suspek na posibleng na-pagtripan lamang ang biktima. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment