LALAKI DEDO SA MASKARADO

SHOTGUN-1

CAPIZ – Luwa ang bituka ng isang lalaki makaraang paputukan ng shotgun ng dalawang armadong nakasuot ng maskara habang naglalakad, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Nico Gregorio, 21-anyos, residente ng Brgy. Agpalali Tapaz, Capiz.

Batay sa report ng Tapaz Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Roxas sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, bigla na lamang hinarang ng mga lalaking maskarado ang biktima at pinaputukan ng 12 gauge shotgun na agad nitong ikinamatay.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment