LALAKI ARESTADO; BABAE PINUGUTAN, UTAK KINAIN

DAHIL lamang sa pagsasalita ng Ingles at dismayado, pinugutan ng isang lalaki ang babaeng kausap at kinain pa ang utak nito sa Talisayan, Misamis Oriental, araw ng Huwebes.

Kinilala ni Talisayan police chief Capt. Maribeth Ramoga ang 21-anyos na suspect na si Lloyd Bagtong, ng Brgy. Casibole.

Sinabi umano ng suspek na nagalit siya dahil hindi maintindihan ang babae sa kaka-ingles nito.

Dahil dito, pinugutan niya ang babae gamit ang bolo at iniulam ang utak nito.

Umamin ang suspek sa karumal-dumal na krimen na ginawa niya umano habang lasing at gutom.

Natagpuan ang bangkay ng babaeng biktima na walang pang-itaas na damit at suot na lang ang maong na pantalon.

Nakagapos din ang mga kamay nito.

Natagpuan naman ang bungo ng biktima sa bahay ni Bagtong.

Sasampahan ang suspek ng kasong murder at kasalukuyan na itong nakakulong sa Talisayan Police Station.

Kukonsulta naman ang pulisya sa psychiatrist para malaman ang kalagayan ng pag-iisip ng suspect.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima kaya’t hinimok ng pulisya ang mga pamilya na may nawawalang kaanak na pumunta sa Gomez Funeral Homes na pinagdalhan ng mga labi nito.

Related posts

Leave a Comment