LADY TEACHER HULI SA DRUGS 

arrested12

(NI KIKO CUETO)

ILOILO CITY– Huli sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Santa Cruz, Arevalo ang isang guro.

Ang guro ay nakilalang si Jonaseth Aguirre, 45-anyos, Teacher I ng A. Mirasol Memorial Elementary School sa Q. Abeto Mandurriao, Iloilo City at residente ng Sta.Cruz, Arevalo, IloIlo City.

Naaresto ang suspek ng mga pulis nang mabilhan siya ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P5,000.

Nakuha rin sa kanya ang 10 sachet pa ng umano’y shabu.

Ayon naman sa guro, planted ang mga nakumpiskang droga, bagay na itinanggi ng mga operatiba. Nagulat na lamang umano siya nang biglang pumasok ang mga operatiba sa kanyang bahay at hinalughog ang mga kagamitan niya.

Pero ayon sa pulis, nadakip noong Marso ang live-in partner ng guro na itinuturing na isang drug personality.

Aminado rin ang guro na palagi niyang binibisita ang live-in partner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang guro.

 

Related posts

Leave a Comment