KUMPARE NANGGIGIL KAY KUMARE, KALABOSO

(NI ANNIE PINEDA)

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang gapangin nito ang kanyang kumare at tinangkang gahasain, iniulat kaninang umaga sa Davao City.

Kinilala ng nadakip ang suspek na si Jovem Torcal, 26, taga-General Santos City at pansamantalang naninirahan sa Isla Suerte Times Beach, Bucana, Talomo, Davao City.

Batay sa report ng Talomo Police Station, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa at kumpare ng suspek na si alyas Max sa nasabing bayan.

Makalipas ang ilang oras nalasing si Max at nakatulog na ito kaya sinamantala naman ng suspek ang pagkakataon at ginapang nito ang natutulog na  kumare saka hinimas ang maselang bahagi.

Nagising ang biktima ngunit tinakpan ang kanyang bibig at nakiusap na kung maaari pagbigyan siya nito na makipagtalik sa kanya subalit tumanggi ang biktima.

Hindi naman nakatiis ang biktima sa takot na gawin uli ng suspek ang tangka nitong panggagahasa kaya nagsumbong na siya sa kanyang asawa.

 

Related posts

Leave a Comment