KUMATAY SA MAG-INA NANG-AGAW NG BARIL NG PULIS, PATAY

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–PATAY na ng dumating sa ospital ang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasama at 11-anyos na anak nito noong Sabado ng tanghali.

Ayon sa ulat, tinangka ng suspek na agawin ang baril ng mga pulis kaya inunahan nila ito.

Sinabi ni Police Captain Rosario Aguilar, officer-in-charge na spokesperson ng Davao City Police Office (DCPO), sinubukan pa nilang dalhin sa ospital si Renuel Wabinga Habillo, alyas Lotlot, ngunit wala na itong buhay pagdating sa pagamutan.

Nagsagawa noon ng fingerprinting ang otoridad para sa suspek, nang bigla umanong agawin ang baril ng isang pulis.

Matatandaang ang suspek ay naaresto sa pagpatay kay Evelyn Saganay Lapera, 40-anyos, at anak nitong si Joy Saganay Lapera, Grade 6 student noong Miyerkoles, Nobyembre 6, sa Barangay Megcauwayan, Calinan District, Davao City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Homicide and Arson Section ng Calinan Police Station, napag-alaman na nag-init ang ulo ng suspek matapos malaman na may kabit ang live-in partner nito.

Sa kalagitnaan ng kanilang bangayan ay kumuha ang suspek ng itak at pinagtataga si Evelyn pati ang anak nito.

Inamin  ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil sa sobrang selos at galit sa kanyang kinakasama.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment