KOTSE NIRATRAT: LALAKI PATAY SA TABI NG GF

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PINAGBABARIL hanggang sa napatay ng mga hindi nakilalang salarin ang isang lalaki na kasama ang kanyang kalive-in sa kotse sa Lian,  Batangas Miyerkoles ng hapon.

Dead on the spot ang biktima na si Antonio Credito na pinagbabaril habang nagmamaneho ng kanyang Honda Civic na kotse sa Barangay 4 dakong alas-2:00 ng hapon.

Nagtamo naman ng tama sa paa ang live-in partner nito na si Maricar Sta.  Rosa na katabi nito sa passenger seat.

Batay sa report ng Lian police,  hinabol ng mga suspek na sakay ng isang kulay puti na Toyota Innova van ang kotse ng mga biktima at nang madikitan ay pinaulanan ng bala ang driver side.

Agad ding sumibad ang van patungo sa direksyon ng Poblacion matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa sasakyan at kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment