KOREANO ARESTADO SA PAGDUKOT NG 4 KABABAYAN 

kidnap12

(NI ANNIE PINEDA)

NADAKIP ang isang Korean national na itinuturong utak sa pagdukot sa apat nitong kababayan sa ginawang operasyon ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, sa Cavite.

Kinilala ng nadakip na suspek na si Cho Jung Gi, 28, South Korean national at nakatira sa Barangay Buho Silang, Cavite.

Batay sa report ng Tagaytay City Police Station, dakong alas 6:00 ng Martes nang madakip ang suspek sa bahay nito sa nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping-for-ransom na ipinalabas ni Judge Caesar Buenagua, ng Pasig City Regional Trial Court Branch 160 noong February 27, 2017, nadakip ang suspek ng pinagsamang puwersa ng PNP-AKG at Tagaytay Police.

Nabatid na noong Enero 2015, ay isinangkot ang suspect sa pagdukot sa apat na Korean national na kinilalang sina Kan Dea Jin, Kim Thin Sung, Kim Kyung Ju at Cho Hyun Seokin, sa loob ng bahay ng mga ito sa Vito Cruz Street, Bgy. Maytunas, San Juan City.

Lumabas sa rekord ng mga awtoridad, hiningan ng suspek ang mga biktima ng P4 milyon para sa kalayaan ng mga ito at mismong araw din iyon ay idineposito sa bank account na sinabi ng suspek ang kabuuang P5 milyon.

 

Related posts

Leave a Comment