KILLER PUNCH!

crime500

(NI SIGFRED ADSUARA)

TULUYAN nang hindi nagising sa malakas na suntok na dumapo sa mukha ng isang 22-anyos na estudyante ng bigwasan siya  ng kanyang kainuman sa Tagaytay City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Tagaytay City Police Station ang suspek na si John Carlo Aterado, 23, ng Brgy Mendez Crossing East Tagaytay City, matapos  suntukin sa mukha ang biktimang si Patrick John Ernie, ng Pabahay, Brgy Mendez Crossing East, Tagaytay City.

Sa ulat ni PMSgt Jude Camitan ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa Brgy. Zambal, Tagaytay City kung saan nag-iinuman ang biktima at kapatid nitong si Jayson, suspek at ilang kaibigan nila.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at si Jayson at nang napansin ito ng biktima ay bigla itong lumapit sa kanila na inakala umano ng suspek na  magkakampihan at susuntukin ito kaya inunahan na  niya ng suntok sa mukha na ikinabagsk ng biktima at nawalan ng malay.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot.

Tumakas ang suspek subalit  naaresto rin ito sa isinagawang follow up operation ng pulis.

 

Related posts

Leave a Comment