KILLER, MASTERMIND SA PAGPATAY SA ASAWA NG EX-VICE MAYOR, NADAKMA

GUNMAN-3

Hawak na ng otoridad ang umano’y mastermind at gunman sa pagpaslang sa asawa ng dating Santo Tomas, Batangas vice mayor na ang bangkay ay natagpuan sa Lipa City noong nakaraang Linggo.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek na kinilalang si Joan Zara Ramos alias Jei, na naaresto sa kanyang tahanan sa Barangay Tambo, Lipa City; Florina Malolos Ramos na naaresto sa kanyang bahay sa Barangay 2, Sto Tomas, at ang sinasabing gunman na si Jerry Rabano y Albitos na kusang loob na sumuko sa mga otoridad sa Barangay Cabatang, Tiaong, Quezon.

Ayon kay  Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, ang mga nasabing suspek ang nagsabwatan umano upang patayin ang biktimang si Edelina Ramos y  Tolentino, 55-anyos,  na ang bangkay ay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Halang, Lipa City  noong June 3.

Ang biktima ay asawa ni dating Santo Tomas Vice Mayor Ferdinand Ramos y Malolos na pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakilalang salarin noong July 14, 2018.

Ayon kay Carranza, benggansa ang motibo sa krimen kung saan ang biktimang si Edelina ang pinagbibintangang nagpapatay sa asawang bise alkalde.

Sina Joan at Florina ay kapwa malapit na kaanak ng yumaong bise alkalde.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment