KELOT NA MALAKI ANG UTANG, NAGBARIL SA SARILI

VIGAN City – Winakasan ng isang lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili dahil sa hindi mabayarang pagkakautang, iniulat kahapon ng pulisya sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Rupert Amano, 30-anyos, tauhan ng Nueva Segovia Consortium of Cooperatives (NSCC), at residente ng Barangay Don Lorenzo Querubin, Caoayan, ng nasabing lalawigan.

Batay sa report ng Caoayan Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kuwento ng stepmother ng biktima, nakarinig siya ng putok ng baril mula sa kuwarto ni Amano.

Bunsod nito, tinungo niya ang silid ng biktima at bumulaga sa kanya ang nakabulagta at duguang si Amano habang hawak ang .22 kalibreng paltik.

Agad dinala sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Naniniwala ang mga kaanak ng biktima na dahil sa malaking utang na hindi mabayaran ang dahilan ng pagpapakamatay ni Amano.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment