KELOT KINALASAN NG LIVE-IN PARTNER, NAGBIGTI

suicide

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding kalungkutan at pagkaulila ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 36-anyos na lalaki ang sariling buhay matapos matagpuang wala nang buhay sa Purok 1, Barangay Del Carmen, President Roxas, North Cotabato, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Rackie Reginan Alisaje at nakatira din sa nasabing lugar.

Sa ulat ng President Roxas PNP, natagpuan ng kapitbahay ng biktima na nakalambitin ito sa puno ng durian pasado alas 6:00 ng umaga.

Nang makausap ng mga otoridad ang ina ni Alisaje, sinabi nitong isa sa mga posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ilang araw bago nagpakamatay si Alisaje ay tulala na ito at halos hindi na kumakain.

Nagsisiyasat na rin ang pulisya kung may foul play sa pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment