KAWANI NG DEPED, 1 PA, PATAY SA ROAD MISHAP

accident12

(NI BONG PAULO)

DALAWA katao, kabilang ang isang empleyado ng Department of Education, ang nasawi matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa bayan ng Kabacan at Kidapawan City, North Cotabato.

Sa bayan ng Kabacan, patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos mabundol ng sasakyan sa National Highway Barangay Osias, alas 4:14 ng madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Dante Ponteres Espilita, Deped staff at nakatira sa bayan President, Roxas.

Sa ulat ng PNP Traffic section, binabaybay ng biktima ang daan na lulan ng motorsiklo patungong Davao at pagsapit sa lugar ay binangga ito ng isa pang sasakyan na nakarehistro sa pangalan ng isang Mitchell Honor Ruiz.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang guro na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang patay ng mga doktor.

Habang iniwan na lamang ng suspek ang kanyang sasakyan at tumakas.

Sa Barangay Sibawan Kidapawan City, dead on arrival din sa pagamutan ang motorista habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos ding magsalpukan ang dalawang motorsiklo mag-aalas 10 ng gabi, ng Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Jonnie Bolud, 22, ng Magpet habang sugatan naman ang dalawang angkas nito na pawang mga menor de edad.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang magkabilang lane ng Highway nang biglang napatungo ang Rusi motorcycle na minamaenho ni Bolud sa kabilang lane dahilan ng pagkabangga sa kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Roel Dangin, 40, magsasaka na residente ng Barangay Imamaling, Magpet.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima pero kalaunan ay idineklarang patay ng attending physician si Bolud.

 

Related posts

Leave a Comment