KASAMBAHAY NAGNAKAW NG P2.7-M, TIMBOG

arrested12

JG TUMBADO)

NAHULI sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang isang 20-anyos na babaeng kasambahay matapos umanong nakawin ang P2.7 milyon mula sa kanyang among negosyante sa bayan ng Kalibo, Aklan noong Sabado.

Inabutan pa ng mga tauhan ng Kalibo municipal police ang suspek na si Cheryl Nabor na nasa jetty port terminal habang nag-aantay ng kanyang biyahe patungo sa bayan ng Caticlan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinangay umano ng suspek na si Nabor ang perang nagkakahalaga ng P2.7 milyon na nakatago sa cabinet ng kuwarto ng kanyang amo.

Subalit nasa P2.6milyon na lamang umano ang nabawing pera mula kay Nabor na hindi na tumanggi pa sa akusasyon laban sa kanya.

Napag-alaman pa sa report na 13-anyos pa lamang umano ang suspek nang unang mamasukan ito sa biktima bilang kasambahay.

Hindi umano makapaniwala ang biktima na magagawa sa kanya ang pagnakaw ni Nabor na itinuring na niyang anak.

Kasalukuyang nakapiit na sa Kalibo police detention cell si Nabor at nahaharap sa kasong robbery.

Related posts

Leave a Comment