KARNAPER PATAY SA ENGKUWENTRO

carnap

(TEKSTO/PHOTO BY ROSS CORTEZ)

PATAY sa engkuwentro ang umano’y hinihinalang karnaper na hinabol ng mga operatiba sa Barangay Kayquit 3 sa bayan ng Indang, Cavite alas 2:00 Biyernes ng  madaling araw
Sa tala ng Indang Municipal Police Station, inalarma sila kaugnay sa kinarnap na kulay orange na motorsiklo, kaya agad nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis. Naispatan ng mga operatiba ang suspek at sinubukang patigilin, ngunit pinasibad nito ang motor na nauwi sa maikling habulan
Sa pagtigil ng suspek, sa halip na sumuko, bumunot ito ng baril at nakipagbarilan sa mga humabol na operatiba.

Narekober sa crime scene ang ninakaw na motorsiklo, cal .38 na gamit ng suspek at ilang pakete ng hinihinalang shabu

 

Related posts

Leave a Comment