KARERA NG KAMATAYAN: 6 PATAY, 6 SUGATAN

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang anim katao habang anim na iba pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa national highway sa Tacurong City, Sultan Kudarat, Biyernes ng umaga.

Ayon sa paunang impormasyon ng pulisya, dead on the spot ang anim na biktima nang magsalpukan dakong alas-kuwatro ng madaling araw ang dalawang traysikel, isang motorsiklo, isang SUV at isang pick-up truck.

Base sa pahayag ng isang nakasaksi sa aksidente, tila nagkakarera ang SUV at pick-up truck nang mahagip ang ilang mga sasakyan.

Sinabi naman ni Bogz Jamorabon, city disaster action officer, kabilang sa mga nasawi ay isang lalaki, isang babae, isang sanggol at tatlong bata na edad anim hanggang 10 taon.

Karamihan umano sa mga biktima ay pasahero ng mga traysikel na nasangkot sa karambola.

Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya kung sinong drayber ang responsable sa malagim na aksidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment