KALABAW RAPIST, NAG-SUICIDE SA KAHIHIYAN

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano nakayanan ng isang mister ang labis na kahihiyan sa kanilang lugar dahilan para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, nang pag-usapan ito hinggil sa umano’y panggagahasa nito sa kalabaw ng kanilang kapitbahay, sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktimang si Victor Balangas, 28, residente sa bayan ng Jose Dalman, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, umaga ng Miyerkoles, nakita na lamang ng kanyang asawa ang biktima na nakabigti sa puno ng makopa sa labas ng kanilang bahay, gamit ang pisi.

Ayon sa misis ni Balangas, minsan na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa matinding problema sa pamilya pero naagapan ito.

Subalit, nitong nakaraan araw, naging usap-usapan sa kanilang lugar ang umano’y panggagahasa ng biktima sa isang alagang kalabaw ng kanilang kapitbahay at labis itong dinamdam ni Balangas.

Paniwala naman ng misis ng biktima, maaring nadagdagan ang problema ng mister at labis na kahihiyan kaya nagawa nitong magpakamatay.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment