KABLE NAPUTOL; 2 BINATA NAKURYENTE, PATAY

electrocution

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang dalawang binatang trabahador ng isang poultry farm sa  Calaca,  Batangas nang kapwa makuryente, Martes ng hapon.

Parehong nakatimbuwang  at wala nang mga buhay nang makita ang katawan ng mga biktimang sina Michael Sola,  21,  at Hernando Ocap,  23,  mga tubong Masbate City at mga helper sa R. A.  Punzalan poultry farm sa Barangay Putong kahoy.

Ang dalawa ay nakita ng kapatid ng isa sa mga ito na nakabulagta at batbat ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malapit sa mga biktima ang isang napatid na kable ng kuryente na hinihinalang siyang naging dahilan ng pagkakuryente ng mga ito.

Sinubukan pang sagipin ang dalawa at isinugod sa ospital subalit ideneklara na ang mga itong patay ng doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitingnan kung walang foul play sa pangyayari.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment