‘JOURNALIST’ ARESTADO SA BARIL

huli

(NI JG TUMBADO)

ISANG 28-anyos na babae ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pagtatangka nitong magpuslit ng hindi lisensyadong baril habang papasok sa Coron Port sa Palawan, araw ng Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Jennifer Figalan Maquilan, residente ng Don Bosco sa Paranaque City at nagpakilala bilang journalist ng umanoy local newspaper na Private Manila Hotline (PMH).

Ayon kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng Police Regional Office 4B (Mimaropa), si Maquilan ay pinigilan ng mga security personnel ng Coron Port sa Barangay Tagumpay ilang sandaling ma-detect ng x-ray machine ang bag nito na naglalaman ng isang baril dakong alas-2:30 ng hapon.

Nakatakda sanang bumalik pa Maynila si Maquilan mula sa ilang araw na pananatili nito sa Coron nang siya ay mapigilan ng mga awtoridad na makasakay ng MV June Aster passenger vessel.

Sinabi ni Faltado na hindi na inihayag ni Maquilan kung saan nanggaling ang caliber .22 berretta na may walong bala na kanyang dala-dala habang patuloy pa itong isinasailalim sa interogasyon ng Coron Municipal Police Station (CMPS).

Nakadetine na si Maquilan sa CMPS habang inihahanda na ang kaso sa paglabag nito sa ilalim ng RA 10591 o mas kilala sa comprehensive firearms and ammunition regulation act.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment