JOINT OPERATION VS KINIDNAP NG NPA IKINASA

cppnpa12

(NI JG TUMBADO)

ISANG joint search and rescue operation ng pulisya at militar ang inilunsad upang  sagipin ang tatlong indibidwal na dinukot ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte.

Sa impormasyon mula kay CARAGA  Region Police Office Director Brig. General Gilbert Cruz, ang tatlo ay kasama sa grupo ng pitong indibidwal, kabilang ang dalawang bata, na una nang puwersahang dinukot ng mga rebelde sa tabi ng ilog ng Tandag, Sitio Pog, araw ng Huwebes.

Pinakawalan din umano ang apat maliban kina Juagpao Badiang, kasapi ng Civilian Armed Auxillary; Wendil Delicuna, isang dating NPA at Angelo Duazo na iginapos at dinala sa bulubunduking bahagi ng Sitio Banahao, Maitom, Tandag City Surigao del Norte.

Tinukoy naman ng militar ang isang Joel Mahinay, alyas Nico, ng Sandatahang Platoon Pampropaganda ng North Eastern Mindanao Regional Front ng CPP NPA ang nasa likod ng insidente.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment