JAIL OFFICER PATAY, 1 KRITIKAL SA AMBUSH

(NI JG TUMBADO)

PATAY sa pamamaril ang isang jail officer habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kasamahan nito sa Bacolod City.

Nakilala ang nasawi sa pag-atake si Jail Officer 1 Jayvee Jason Vargas, 28, habang inoobserbahan sa ospital bunsod ng isang tama ng bala sa katawan si Gian Philipp Yoro, 25 anyos.

Ayon kay Bacolod City Police Office (BCPO) Director Lt. Col. Henry Binas, pasado alas 11 ng gabi ng Biyernes nang pagbabarilin sina Vargas at Yoro kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Fenny Tano sa bahagi ng Barangay Pahanocoy habang sakay ang mga ito sa kotse.

Napag-alaman sa imbestigasyon na  binuntutan ng riding in tandem ang mga biktima hanggang pagsapit ng mga ito sa nasabing lugar ay doon na sila pinaulanan ng bala.

Dead on the spot si Vargas nang mapuruhan ito habang si Yoro naman ay naisugod agad sa ospital dahil na rin sa paghingi ng saklolo ni Tano.

Inaalam pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pananambang.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment