ISLAMIC PREACHER HULI SA KIDNAPPING

crime kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA)

MATAPOS  ang anim na buwang surveillance ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) bumagsak din sa kanilang kamay ang No.3 most wanted person sa Mindanao nitong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek na nadakip sa kanyang bahay sa Purok C Kabasalan, Zamboanga Sibugay, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping, na si  Nasirin Baladji, alias Zaed, isang preacher ng relihiyong Islam at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay PNP-AKG Director P/Col. Jonnel Estomo ang nadakip na suspek ang nasa likod ng tatlong insidente ng kidnapping, kasama ang isang Jordanian national.

Nabatid na ang naarestong preacher  ay sangkot sa kidnapping with  ransom sa mga biktimang sina; Rolando Del Torchio sa Dipolog City noong Oct 7, 2015; Elmer Romoc noong Aug. 5, 2015 sa parehong lungsod at sa  Jordanian journalist na si Baker Atyani sa Jolo, Sulu noong June 12, 2012.

Sinabi ni Estomo na ang pagdakip  sa suspek ay resulta ng inilunsad na manhunt operation at sa pinaigting na kampanya ng PNP sa lahat ng mga kidnappers na may warrant of arrest.

 

Related posts

Leave a Comment